Episode 1 Aflevering 1
Nagbunga ang pangangaliwa ni Cris (Zoren Legaspi) kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi), ngunit ayaw ibigay ng huli ang anak nila, kaya naman gagawa si Cris ng paraan upang makuha ito.
Hating Kapatid·GMA Network
Alle afleveringen
1 seizoen · 129 afl.
Nagbunga ang pangangaliwa ni Cris (Zoren Legaspi) kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi), ngunit ayaw ibigay ng huli ang anak nila, kaya naman gagawa si Cris ng paraan upang makuha ito.
Kahit pinaglayo sila ng tadhana at magkaiba ang kanilang buhay, lumaki pa rin ang kambal na anak ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) na katulad niyang may likas na kabutihan.
Kahit pinalaki ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) ang kanyang kambal sa maayos na paraan ay hindi maitatanggi na maliban sa kanilang kulay ng balat ay magkaiba sina Tyrone (Euwenn Mikaell) at Thalia (Juharra Asayo).
Nagnakaw si Thalia (Juharra Asayo) kay Jacinta (Glenda Garcia), ngunit si Tyrone (Euwenn Mikaell) ang kanyang inilaglag upang ito ang mapagalitan.
Sa pagbalik nina Belle (Ericca Laude) at Cris (Zoren Legaspi) sa Santa Ines ay magkukrus ang landas ng kambal na matagal na pinaghiwalay ng panahon.
Roselle (Carmina Villaroel-Legaspi) and Tyrone (Euwenn Mikaell) finally uncover that Thalia (Juharra Asayo) was behind Jacinta’s (Glenda Garcia) missing money. Now, Thalia must apologize and face the consequences of her actions. Meanwhile, will Belle (Ericca Laude) find the courage to tell Cris (Zoren Legaspi) the truth she uncovered about her identity?
Nalaman na ni Belle (Ericca Laude) mula kay Cris (Zoren Legaspi) ang buong istorya kung paano siya inampon ng kanyang mga magulang.
Dahil magkaiba ang blood type nina Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) at Thalia (Juharra Asayo) ay nagdududa ang una kung totoo niyang anak ang bata.
Nalaman ni Cris (Zoren Legaspi) na nagsisimula nang magduda si Via (Valerie Concepcion) kung sino ang mga magulang ni Belle (Errica Laude).
Biglang lumambot ang puso ni Via (Valerie Concepcion) para kay Belle (Ericca Laude), at gagamitin niya ang bata para lumambot rin ang puso ni Cris (Zoren Legaspi) sa kanya.
Itatago ni Cris (Zoren Legaspi) ang katotohanan kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) upang hindi nito malaman na buhay pa ang panganay niyang anak.
While Cris (Zoren Legaspi) manages to keep the truth about his daughter hidden because of his deal with Gomar (Ariel Villasanta), Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) finds herself in a precarious position as her children grow eager to learn the truth about their father.
Nalaman ng mga anak ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) na buhay ang kanilang ama, at nagalit ang mga ito dahil itinago ng kanilang nanay ang totoo.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mapakali si Thalia (Juharra Asayo) dahil hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nakikilala kung sino ang kanilang ama.
Dahil sa mga sinabi ni Belle (Ericca Laude) ay nalaman ni Via (Valerie Concepcion) na si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) ang first love ng kanyang asawa na tinutukoy ng kanyang anak.
Dahil sa kabaitan ni Tyrone (Euwenn Mikaell) ay nakilala niya ang nagmamay-ari ng pera na si Cris (Zoren Legaspi), ang kanyang totoong ama.
Dahil sa takot na mapatay siya ng mga pinagkakautangan ay gumawa ng paraan si Gomar (Ariel Villasanta) upang makahuthot ng pera kay Cris (Zoren Legaspi).
Tyrone (Euwenn Mikaell) and Belle's (Ericca Laude) fate hangs by a thread after Gomar (Ariel Villasanta) takes them captive. How can they escape when Via (Valerie Concepcion) has no idea how to rescue her daughter, and Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) remains completely unaware of the situation?
Magkaiba man ang kinalakihang buhay ng kambal ay lumaki pa rin silang mabait at masipag gaya ng kanilang mga magulang.
Sa unang pagkikita nina Belle (Cassy Legaspi) at Thalia (Cheska Fausto) ay hindi na nila nagustuhan ang isa't isa.
Parehong determinado sina Thalia (Cheska Fausto) at Belle (Cassy Legaspi) na makuha ang titulo bilang Campus Queen ng kanilang paaralan. Sino kaya sa kanila ang magwawagi?
Muling nagkita sina Roselle (Carmina Villarroel) at Belle (Cassy Legaspi) sa parehong okasyon na maaaring magbago magpakailanman sa kanilang relasyon.
Upang makaganti at mapagtagumpayan si Belle (Cassy Legaspi), naghanda si Thalia (Cheska Fausto) ng plano upang sirain ang kanyang gown sa kompetisyon.
Kahit niloko siya, patuloy na lumaban nang patas si Belle (Cassy Legaspi) sa kompetisyon, dahilan upang siya ay koronahan bilang Campus Queen ng kanilang paaralan.
Labis na dinamdam ni Thalia (Cheska Fausto) ang pagkatalo niya sa Campus Queen pageant, at hindi siya papayag na maging masaya si Belle (Cassy Legaspi) kahit nauwi na nito ang korona.
Nabigla ang lahat ng tauhan ni Jacinta (Glenda Garcia) nang malaman nila ang malalim na galit nito sa kanyang kapatid na si Darius (Leandro Baldemor).
Pumayag si Chito (Bobby Andrews) na tulungan si Via (Valerie Concepcion) na buhayin muli ang kanyang kumpanya sa isang kundisyon: gusto niyang makuha ang anak nito na si Belle (Cassy Legaspi).
Dinala nina Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) at Tyrone (Mavy Legaspi) si Jacinta (Glenda Garcia) sa ospital matapos itong matumba, at nalaman nila na may gastric cancer ito.
Nagulat si Belle (Cassy Legaspi) nang i-set up siya ng kanyang ina sa isang date kay Chito (Bobby Andrews) upang mailigtas ang kanilang negosyo.
Matapos muntik na silang mamatay, sa wakas ay sumunod si Belle (Cassy Legaspi) sa kagustuhan ng kanyang ina na makipag-date kay Chito (Bobby Andrews). Magdudulot kaya ang kanilang unang date ng romansa o kaguluhan?
Kumalat sa buong school ang litrato ni Belle (Cassy Legaspi) kasama si Wesley (Vince Maristela), kaya binansagan siyang sulutera.
Dahil sa kabaitan ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi), unti-unting nahulog ang loob ni Darius (Leandro Baldemor) sa kanya.
Sinabi na ni Jacinta (Glenda Garcia) kay Tyrone (Mavy Legaspi) na sa kanya ipapamana ang lahat ng kanyang ari-arian kapag siya ay wala na.
Dahil sa isang aksidente, malalagay sa alanganin ang buhay ni Tyrone (Mavy Legaspi).
Naiipit si Belle (Cassy Legaspi) sa sitwasyon ng kanyang mga magulang at gusto niya silang tulungan, ngunit kaya ba niyang isakripisyo ang sarili para sa kanila?
Inamin ni Wesley (Vince Maristela) na nahuhulog na siya kay Belle (Cassy Legaspi) kaya ayaw na niyang lokohin ito.
Nagulat si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) nang makatanggap siya ng donasyon upang matulungan ang kanyang anak na makaalis sa gulong pinasok nito.
Aakyat ng ligaw sina Wesley (Vince Maristela) at Darius (Leandro Baldemor) kina Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) at Belle (Cassy Legaspi). Sasagutin kaya sila ng mga babae?
Pinuntahan ni Cris (Zoren Legaspi) si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) upang malaman kung ano ang pakay nito sa kanya.
Kahit si Belle (Cassy Legaspi) ang umiyak nang lokohin siya ni Wesley (Vince Maristela), hindi pa rin makadama ng saya si Tally (Cheska Fausto) dahil hindi na siya ang laman ng puso ng binata.
Sa tulong ng mga anak ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi), nag-propose na si Darius (Leandro Baldemor) sa kanya.
Nalaman ni Jacinta (Glenda Garcia) na si Darius (Leandro Baldemor) ang nagpautang kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) — at kasal na pala ang dalawa.
Sa araw ng kasal nina Roselle (Carmina Vilarroel-Legaspi) at Darius (Leandro Baldemor), muling nagbakasakali si Jacinta (Glenda Garcia) na mapigilan ang pag-iisang dibdib ng dalawa.
Pinuntahan ni Cris (Zoren Legaspi) si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) sa araw ng kanyang kasal upang masilayan siyang muli.
Gagamitin ni Darius (Leandro Baldemor) ang pamilya ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) upang makakuha siya ng access sa mga ari-arian ni Jacinta (Glenda Garcia).
Prinotektahan ni Tyrone (Mavy Legaspi) si Belle (Cassy Legaspi) laban sa pambu-bully ni Thalia (Cheska Fausto) sa kanya.
Inamin na ni Malou (Mel Kimura) kay Melania (Mercedes Cabral) na siya ang totoong ina ni Tally (Cheska Fausto).
Nagalit si Cris (Zoren Legaspi) nang malaman niya na ibinubugaw pala ni Via (Valerie Concepcion) si Belle (Cassy Legaspi) kay Chito (Bobby Andrews) para matulungan sila sa negosyo.
Upang makalapit sa kanyang anak, nakipagkaibigan si Melania (Mercedes Cabral) kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi).
Nagkaroon ng pagkakataon sina Tyrone (Mavy Legaspi) at Cris (Zoren Legaspi) na muling magkita dahil si Cris ang investor na kakilala ni Jacinta (Glenda Garcia).
Hindi mapakali si Malou (Mel Kimura) dahil unti-unti na siyang nilalamon ng kanyang konsensya — siya ang dahilan kung bakit nawalay ang anak ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) sa kanya.
Upang makaganti kay Belle (Cassy Legaspi), pinagkalat ni Tally (Cheska Fausto) na isa itong ampon.
Nalaman mismo ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) kay Belle (Cassy Legaspi) na siya ay ampon lamang nina Cris (Zoren Legaspi) at Via (Valerie Concepcion).
Dinisiplina ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) si Tally (Cheska Fausto) matapos niyang malaman ang ginawang pambu-bully nito kay Belle (Cassy Legaspi).
In-expose ng mga kaibigan ni Belle (Cassy Legaspi) si Tally (Cheska Fausto) na hindi pala ito mayaman.
Dahil alam na ng buong campus ang kanyang tunay na pagkatao, pati ang mga kaibigan ni Tally (Cheska Fausto) ay tinalikuran na siya, at sinisisi niya si Belle (Cassy Legaspi) sa lahat ng nangyari.
Nabigla si Cris (Zoren Legaspi) nang malaman niyang si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) ang ka-meet up niya para sa kanyang business venture.
Nalaman ni Cris (Zoren Legaspi) na si Tyrone (Mavy Legaspi) ay anak ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi).
Pinilit ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) na pumasok sa school si Tally (Cheska Fausto) upang hindi masayang ang tuition nito, kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi harapin ang mga taong kanyang niloko.
Hindi titigil si Jacinta (Glenda Garcia) sa pagtulong kay Tyrone (Mavy Legaspi) upang makilala nito ang kanyang tunay na ama, kahit tutol si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi).
Dahil sa kagagawan ni Tally (Cheska Fausto), malalagay sa panganib ang buhay ni Belle (Cassy Legaspi).
Sinugod ni Via (Valerie Concepcion) si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) nang malaman niyang kasama nito ang kanyang asawa at inakalang niloloko siya ng mga ito.
Nalaman nina Via (Valerie Concepcion) at Cris (Zoren Legaspi) na sangkot ang mga anak ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) sa isang aksidente na kinasangkutan ng kanilang anak.
Nalaman ni Cris (Zoren Legaspi) na si Tyrone (Mavy Legaspi) ang tumulak sa kanyang anak kaya nagalit siya, dahil akala niya ay mabait ang binata.
Nabigla si Tally (Cheska Fausto) nang malaman niyang may relasyon sina Darius (Leandro Baldemor) at Melania (Mercedes Cabral).
Nagsampa na ng kaso si Via (Valerie Concepcion) laban kay Tyrone (Mavy Legaspi) upang pagbayaran niya ang mga ginawa ni Tally (Cheska Fausto) kay Belle (Cassy Legaspi).
Inamin ni Melania (Mercedes Cabral) kay Tally (Cheska Fausto) na anak niya ito upang hindi niya isiwalat kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) ang naging relasyon nila ni Darius (Leandro Baldemor).
Nagalit si Cris (Zoren Legaspi) nang malaman niyang ipinakulong ni Via (Valerie Concepcion) si Tyrone (Mavy Legaspi) upang makaganti kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi).
Unti-unting bumagsak ang mundo at nasira ang buhay ni Tally (Cheska Fausto) matapos niyang malaman ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao.
Makikipagtulungan si Tally (Cheska Fausto) kay Melania (Mercedes Cabral) at sasali sa kanilang plano ni Darius (Leandro Baldemor) na makuha ang yaman ni Jacinta (Glenda Garcia).
Tumatanggap si Tally ng hindi inaasahang tulong mula kay Belle! Malaki ang pasasalamat ni Tally (Cheska Fautso) nang tulungan siya ni Belle (Cassy Legaspi) matapos siyang ma-bully ng kanyang mga dating kaibigan.
Malaki ang pasasalamat ni Tally (Cheska Fautso) nang tulungan siya ni Belle (Cassy Legaspi) matapos siyang ma-bully ng kanyang mga dating kaibigan.
Malaki ang pasasalamat ni Tally (Cheska Fausto) kay Belle (Cassy Legaspi) dahil hindi siya iniwan nito noong kailangan niya ng tulong.
Malaki ang galit ni Melania (Mercedes Cabral) kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) dahil inagaw nito ang kanyang anak at nobyo.
Nabigla ang mga tao sa paligid ni Tally (Cheska Fausto) nang biglang lumambot ang puso niya sa mga taong malapit sa kanya.
Hindi maiwasang mainggit si Tally (Cheska Fausto) nang makita niyang kasama ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) si Belle (Cassy Legaspi).
Nalaman na ni Tally (Cheska Fausto) na si Belle (Cassy Legaspi) ang totoong anak ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi).
Gagawin ni Tally (Cheska Fausto) ang lahat upang hindi na muling magsama ang tunay na mag-ina na sina Belle (Cassy Legaspi) at Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi).
Kinompronta ni Jacinta (Glenda Garcia) si Cris (Zoren Legaspi) upang malaman kung siya nga ba ang tunay na ama ni Tyrone (Mavy Legaspi).
Ipinagtapat na ni Malou (Mel Kimura) kay Cris (Zoren Legaspi) na anak niya rin si Tyrone (Mavy Legaspi) at kakambal ito ni Belle (Cassy Legaspi).
Ngayong alam na ni Cris (Zoren Legaspi) na anak niya si Tyrone (Mavy Legaspi), desidido siyang hindi mahiwalay dito at handa niyang komprontahin si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) upang ipaglaban ang kanyang karapatan bilang ama.
Sa pagbubukas ng bagong branch ng café ni Madam Jacinta (Glenda Garcia), inanunsyo niya sa publiko na ipapamana niya ang café at lahat ng kanyang negosyo kay Tyrone (Mavy Legaspi).
Sasabihin na ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) kay Tyrone (Mavy Legaspi) ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.
Hanggang ngayon ay nawawala pa rin si Tyrone (Mavy Legaspi) at patuloy siyang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ng mga awtoridad si Tyrone (Mavy Legaspi), dahilan upang tuluyang mawalan ng kontrol si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) sa sobrang pag-aalala.
Dahil wala sa sarili si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi), hindi niya namalayang naamin niya ang katotohanan sa harap ni Cris (Zoren Legaspi).
Desperado pa ring hinahanap nina Cris (Zoren Legaspi), Jacinta (Glenda Garcia), at ng iba pa si Tyrone (Mavy Legaspi), nang hindi nila alam na siya ay buhay, sugatan, at nasa kamay ng isang estranghero na may hindi tiyak na intensyon.
Muling ginapos ni Angel (Ashley Ortega) si Tyrone (Mavy Legaspi) upang hindi na siya muling makatakas pa mula sa kanya.
Nailigtas ni Darius (Leandro Baldemor) si Tyrone (Mavy Legaspi) mula kay Angel (Ashley Ortega). Ngunit makakaligtas kaya siya sa mga plano ng kanyang tiyong si Darius?
Hindi nagawang patayin ni Darius (Leandro Baldemor) si Tyrone (Mavy Legaspi) dahil napamahal na siya rito at ayaw na niya itong saktan.
Matapos ang mahabang panahon ng paghahanap, nalaman na rin sa wakas ni Tyrone (Mavy Legaspi) na ang kanyang tunay na ama ay walang iba kundi si Cris (Zoren Legaspi).
Hindi na kayang tiisin ni Cris (Zoren Legaspi) ang ugali ni Via (Valerie Concepcion) kaya tuluyan na niya itong hiniwalayan.
Matapos mapahiya ni Via (Valerie Concepcion), nagpasya si Madam Jacinta (Glenda Garcia) na mas palakasin pa ang kanyang suporta kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) at sa kanyang pamilya upang hindi na muli silang maliitin. Ngunit handa na nga ba sila sa mga pagbabagong darating sa kanilang buhay?
Dahil sa biglaang pagyaman ng pamilya ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi), gagamitin niya ito upang makaganti kay Via (Valerie Concepcion).
Inamin ni Tally (Cheska Fausto) kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) na may relasyon sina Darius (Leandro Baldemor) at Melania (Mercedes Cabral), dahilan upang sugurin at harapin niya ang mga ito.
Isa-isa nang nabubunyag ang mga sikreto nina Melania (Mercedes Cabral) at Tally (Cheska Fausto), at kabilang dito ang katotohanang sila ay mag-ina.
Nalaman ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) na walang bangkay sa libingan ng kanyang yumaong anak.
Hindi titigil si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) hangga't hindi niya nalalaman kung saan dinala ni Malou (Mel Kimura) ang kanyang anak na inakala niyang patay na.
Hindi matanggap ni Melania (Mercedes Cabral) ang pagmamahal ni Darius (Leandro Baldemor) kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi), kaya nagplano siya ng isang matapang na paghihiganti sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa sa kanyang kaaway na si Via (Valerie Concepcion) at pagbubunyag ng sikretong matagal na niyang itinago.
Kinumpirma ng DNA test na si Belle (Cassy Legaspi) ay tunay na anak nina Cris (Zoren Legaspi) at Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi), dahilan upang maghangad ng paghihiganti si Via (Valerie Concepcion) dahil sa panlilinlang na ginawa nila laban sa kanya.
Si Belle (Cassy Legaspi) ang pagbabayarin ni Via (Valerie Concepcion) sa lahat ng kasalanang ginawa ng kanyang mga magulang laban sa kanya.
Iniligtas ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) si Belle (Cassy Legaspi) mula sa mga tauhan ni Melania (Mercedes Cabral) na nagbabalak siyang ibenta sa mga human traffickers.
Kinompronta na ni Belle (Cassy Legaspi) si Via (Valerie Concepcion) tungkol sa mga pananakit at pagmamalupit na ginawa nito sa kanya.
Humingi si Belle (Cassy Legaspi) ng kopya ng DNA test kung saan niya nalaman na si Cris (Zoren Legaspi) ang tunay niyang ama.
Dahil sa matinding desperasyon, pumayag si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) na makipagkita sa misteryosong tumawag at magbayad ng malaking halaga kapalit ng kanyang nawawalang anak. Mabibiktima kaya siya sa maingat na planong panloloko ni Via (Valerie Concepcion)?
Pinilit ni Belle (Cassy Legaspi) si Cris (Zoren Legaspi) na aminin kung sino talaga ang tunay niyang ina.
Pinilit ni Belle (Cassy Legaspi) na makapagtrabaho sa cafe ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) upang mas mapalapit sa kanyang tunay na ina.
Aaminin ni Melania (Mercedes Cabral) kay Tally (Cheska Fausto) kung sino ang kanyang tunay na ama.
Pinatay nina Via (Valerie Concepcion) at Melania (Mercedes Cabral) si Darius (Leandro Baldemore) upang hindi nito maisumbong sa mga awtoridad ang kanilang mga kasalanan.
Nayanig si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) at ang kanyang pamilya sa biglaang pagkawala ni Darius (Leandro Baldemor), at labis silang nagdadalamhati. Ngunit nananatili ang tanong: matutuklasan kaya nila kung sino ang pumatay sa kanya?
Nauwi sa rambulan sina Melania (Mercedes Cabral) at Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) sa harap ng kabaong ng lalaking kanilang pinagtatalunan.
Nahuli ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) si Tally (Cheska Fausto) na inaabutan ng pera si Melania (Mercedes Cabral) mula sa kaha ng kanyang cafe.
Maghahanap si Tally (Cheska Fausto) ng paraan upang tuluyang alisin si Belle (Cassy Legaspi) sa kanyang buhay.
Inamin ni Dr. Salvio (Chuckie Dreyfus) kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) na si Belle (Cassy Legaspi) ang anak na matagal na niyang hinahanap.
Mahigpit na niyakap ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) si Belle (Cassy Legaspi) matapos niyang malaman na ito ang matagal na niyang nawawalang anak.
Sa wakas ay muling nakasama ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) ang kanyang tunay na anak, na bumuo sa pamilyang matagal na niyang pinangarap at ngayon ay determinado na siyang maghiganti sa mga taong nagkasala sa kanya.
Nalaman ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) na matagal nang alam ni Tally (Cheska Fausto) ang katotohanan tungkol kay Belle (Cassy Legaspi).
Matapos malaman ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) na matagal nang alam ni Tally (Cheska Fausto) na anak niya si Belle (Cassy Legaspi), agad niya itong ibinalik sa tunay nitong ina.
Dahil sa mga kasalanang ginawa ni Via (Valerie Concepcion) kay Belle (Cassy Legaspi), determinado si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) na pagbayarin siya sa lahat ng kanyang nagawa.
Gagamitin ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) ang kanyang kapangyarihan upang parusahan ang lahat ng taong nanloko at trumaydor sa kanya.
Palalayain ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) si Cris (Zoren Legaspi) kung susundin nito ang kanyang kundisyon.
Natakot sina Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) at Cris (Zoren Legaspi) matapos malaman ang trahedyang nangyari sa kanilang mga anak. Mabubuhay kaya sina Belle (Cassy Legaspi) at Tyrone (Mavy Legaspi) sa nangyari?
Gagawin ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) ang lahat upang malaman kung sino ang mga nasa likod ng aksidente ng kanyang kambal.
Malalaman ni Tally (Cheska Fausto) kung sino ang pumatay sa kanyang tatay na si Darius (Leandro Baldemor).
Natunton na ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) at ng mga awtoridad ang pinagtataguan nina Melani (Mercedes Cabral) at Via (Valerie Concepcion).
Hindi alam ni Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) kung sino ang papanigan ni Tally (Cheska Fausto) sa pagitan nila ni Melania (Mercedes Cabral).
Tinulungan ni Tally (Cheska Fausto) si Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) upang matugis sina Via (Valerie Concepcion) at Melania (Mercedes Cabral) at matigil na ang kanilang kasamaan.
Habang nakikipaglaban para sa kanyang buhay si Tyrone (Mavy Legaspi) dahil kay Via (Valerie Concepcion), may magagawa pa kaya si Belle (Cassy Legaspi) upang matulungan siya at maibigay kay Roselle (Carmina Villarroel-Legaspi) ang pagkakataong makasama ang kanyang mga anak, o magtatagumpay ang kalupitan ni Via?
129 afleveringen in Seizoen 1
Sommige details komen van TheTVDB.
Delen
Hating Kapatid
· · GMA Network
In deze aflevering
Je score
Wubly-community
Waar ik gebleven was
Wubly is tijdens de beta alleen op uitnodiging. Zet je op de wachtlijst, dan mailen we je een uitnodiging.
Heb je een uitnodiging? Registreren
Je bent offline
Recent bekeken pagina's werken nog. Je wijzigingen worden op dit apparaat bewaard en later gesynchroniseerd.
Weer online · synchronisatie