Sister's Game·GMA Network
すべてのエピソード
1シーズン · 78話
シーズン1
Chapter 2 第2話
Nahuli ni Vanessa (Elle Villanueva) ang kanyang half-sister na si Angel (Ashley Ortega) sa mismong crime scene. Ipinipilit ni Angel na inosente siya at nakikiusap ng tulong. Ipagtatanggol kaya siya ni Vanessa, lalo na’t siya na lamang ang natitirang pamilya nito?Nahuli ni Vanessa (Elle Villanueva) ang kanyang half-sister na si Angel (Ashley Ortega) sa mismong crime scene. Ipinipilit ni Angel na inosente siya at nakikiusap ng tulong. Ipagtatanggol kaya siya ni Vanessa, lalo na’t siya na lamang ang natitirang pamilya nito?
Chapter 3 第3話
Chapter 4 第4話
Kinumpirma ng DNA test na tunay na magkapatid sina Vanessa (Elle Villanueva) at Angel (Ashley Ortega). Ngayong nalantad na ang kanilang ugnayan, determinado si Vanessa na manatiling nasa tabi ni Angel, anuman ang mga pagsubok na kanilang haharapin.
Chapter 5 第5話
Ikukubli ni Angel (Ashley Ortega) ang kanyang maitim na budhi sa likod ng kanyang maamong mukha upang makuha ang simpatya ng matagal nang nawawalang kapatid na si Vanessa (Elle Villanueva).
Chapter 6 第6話
Nagkaisa sina Trixie (Thea Tolentino) at Sylvia (Pinky Amador) upang mapaalis si Angel (Ashley Ortega). Ngunit tumatanggi sina Angel at Vanessa (Elle Villanueva) na umatras, dahil determinado silang hindi maghiwalay.
Chapter 7 第7話
Nagulat si Vanessa (Elle Villanueva) nang malaman niyang tinutulungan ng pamilya ni Marco (Derrick Monasterio) si Trixie (Thea Tolentino) na magsampa ng kaso laban sa kanyang nag-iisang kapatid na si Angel (Ashley Ortega). Bagama’t determinado siyang lumaban, nararamdaman niyang unti-unti na ring kumakampi laban sa kanya ang kanyang mga biyenan.
Chapter 8 第8話
Mas lalo pang nahihirapan si Vanessa (Elle Villanueva) na makuha ang pag-apruba ni Sylvia (Pinky Amador), lalo na ngayon na pumasok na sa kanyang buhay si Angel (Ashley Ortega).
Chapter 9 第9話
Tumanggi si Angel (Ashley Ortega) na hayaang ilayo ng mga Panganiban si Vanessa (Elle Villanueva) mula sa kanya, kaya humanap siya ng paraan upang pag-awayin ang pamilya. Magtatagumpay kaya siya?
Chapter 10 第10話
Chapter 11 第11話
Sa halip na magsimula ng panibagong away, pinili ni Marco (Derrick Monasterio) na magsinungaling kay Vanessa (Elle Villanueva) tungkol sa pagiging kasama niya kay Trixie (Thea Tolentino). Magtatagumpay kaya si Trixie na maagaw siya, o mananatili siyang tapat?
Chapter 12 第12話
Dahil sa hinalang niloloko siya, hinarap ni Vanessa (Elle Villanueva) si Marco (Derrick Monasterio) at pinilit itong aminin ang kanyang mga kasinungalingan, kabilang ang pagiging kasama niya kay Trixie (Thea Tolentino).
Chapter 13 第13話
Habang hinaharap ni Vanessa (Elle Villanueva) ang pagtataksil ni Marco (Derrick Monasterio) at ang patuloy na pakikialam ng pamilya nito sa kanilang problema, nagsisimula nang maapektuhan ang kanyang mga anak sa lahat ng kaguluhan.
Chapter 14 第14話
Nadiskubre na ni Marco (Derrick Monasterio) ang plano nina Sylvia (Pinky Amador) at Trixie (Thea Tolentino) na sirain ang kanyang pamilya kasama si Vanessa (Elle Villanueva).
Chapter 15 第15話
Handang gawin ni Angel (Ashley Ortega) ang lahat upang sirain ang masayang pamilya ng kanyang kapatid na si Vanessa (Elle Villanueva) para sa sarili niyang kapakinabangan.
Chapter 16 第16話
Desidido si Marco (Derrick Monasterio) na patunayan ang kanyang inosente at iligtas ang kanyang relasyon kay Vanessa (Elle Villanueva). Para magawa ito, kailangan niyang matuklasan kung sino ang tunay na may pakana laban sa kanya.
Chapter 17 第17話
Nadiskubre ni Trixie (Thea Tolentino) na si Angel (Ashley Ortega), kapatid ni Vanessa (Elle Villanueva), ay tinatarget siya kaya determinado siyang alamin kung bakit.
Chapter 18 第18話
Matapos malaman ang tunay na motibo at mga nakakagimbal na sikreto ni Angel (Ashley Ortega), desperadong sinubukan ni Trixie (Thea Tolentino) na babalaan sina Vanessa (Elle Villanueva) at Marco (Derrick Monasterio). Magtatagumpay kaya siya?
Chapter 19 第19話
Bigla na lamang nawala si Trixie (Thea Tolentino), at lahat ay nagtataka kung ano ang nangyari at kung sino ang posibleng may kagagawan nito.
Chapter 20 第20話
Naghahanap si Marco (Derrick Monasterio) ng mga patunay na mag-uugnay kay Angel (Ashley Ortega) sa pagkawala ni Trixie (Thea Tolentino).
Chapter 21 第21話
Habang hinaharap ang mga akusasyon tungkol sa pagkawala ni Trixie (Thea Tolentino), naniniwala si Marco (Derrick Monasterio) na si Angel (Ashley Ortega) ang posibleng may kagagawan nito.
Chapter 22 第22話
Makakahanap si Vanessa (Elle Villanueva) ng ebidensya na ang kanyang asawa na si Marco (Derrick Monasterio) ay walang kinalaman sa pagkawala ni Trixie (Thea Tolentino).
Chapter 23 第23話
Nagsimulang magduda si Vanessa (Elle Villanueva) sa kanyang asawa na si Marco (Derrick Monasterio) sa pagkawala ni Trixie (Thea Tolentino) matapos lihim na magtanim ng ebidensya si Angel (Ashley Ortega) laban sa kanya.
Chapter 24 第24話
Patuloy na nakakaiwas si Angel (Ashley Ortega) na mabunyag bilang tunay na may sala, habang si Marco (Derrick Monasterio) ang patuloy na napagbibilangan ng sisi sa pagkawala ni Trixie (Thea Tolentino). Ngunit hanggang kailan niya kayang takasan ang kanyang mga kasalanan?
Chapter 25 第25話
Nagsimulang maghinala si Vanessa (Elle Villanueva) kay Angel (Ashley Ortega) matapos ang mga testimonya ng mga saksi na nagsasabing hindi ganoon kabuti ang kanyang kapatid tulad ng ipinapakita nito.
Chapter 26 第26話
Matutuklasan na kaya ni Vanessa (Elle Villanueva) ang itinatago ni Angel (Ashley Ortega) sa basement, o mananatiling isang hakbang na mas nauuna si Angel?
Chapter 27 第27話
Sisiguraduhin ni Angel (Ashley Ortega) na hindi maaapektuhan ng mga paratang laban sa kanya ang relasyon nila ni Vanessa (Elle Villanueva).
Chapter 28 第28話
Dahil sa kanyang alindog at yaman, nagagawa ni Sylvia (Pinky Amador) na makaakit ng mga guwapong binata na marunong magpasaya at magbigay-aliw sa kanya sa pribadong paraan.
Chapter 29 第29話
Nagtagumpay si Angel (Ashley Ortega) sa kanyang plano na ilantad kay Vanessa (Elle Villanueva) ang panloloko ni Sylvia (Pinky Amador) sa kanyang asawa at pamilya.
Chapter 30 第30話
Nagtagumpay si Angel (Ashley Ortega) sa kanyang plano na ibunyag sa pamilya ang lihim na relasyon ni Sylvia (Pinky Amador).
Chapter 31 第31話
Hinarap ni Sylvia (Pinky Amador) si Angel (Ashley Ortega) matapos niyang matuklasan na ito ang nagbunyag ng kanyang sikreto.
Chapter 32 第32話
Malalaman na ni Vanessa (Elle Villanueva) ang abusong dinanas ni Angel (Ashley Ortega) noong kabataan nito, ngunit lingid sa kanya ay gagamitin ito ni Angel upang manipulahin siya.
Chapter 33 第33話
Matapos mabunyag ang kanyang pagtataksil sa pamilya, nalagay sa panganib ang buhay ni Sylvia (Pinky Amador) nang dukutin siya ng isang babaeng nakamaskara.
Chapter 34 第34話
Sa dami ng hindi tugmang kwento ni Angel (Ashley Ortega), sisimulan na ni Vanessa (Elle Villanueva) ang pag-alam sa buong katotohanan tungkol sa kanyang kapatid sa tulong ni Lorraine (Cai Cortez).
Chapter 35 第35話
Matutuklasan ni Vanessa (Elle Villanueva) na buhay pa ang ina ni Angel (Ashley Ortega) at nagsinungaling lamang ang kanyang kapatid tungkol sa pagkamatay nito.
Chapter 36 第36話
Nadiskubre ni Sylvia (Pinky Amador) na hindi siya nag-iisa sa pagkakabihag nang makita niya si Trixie (Thea Tolentino). Habang sinusubukan nilang alamin kung sino ang dumukot sa kanila, pareho nilang pinaghihinalaan si Vanessa (Elle Villanueva) bilang posibleng may kagagawan nito.
Chapter 37 第37話
Matapos imbestigahan ang nakaraan ng kanyang kapatid, napagtanto ni Vanessa (Elle Villanueva) na nagsisinungaling si Angel (Ashley Ortega) sa lahat ng bagay. Ngunit ngayon, iniisip niya kung ano ang tunay na motibo sa likod ng lahat ng panlilinlang nito.
Chapter 38 第38話
Nagawa ni Angel (Ashley Ortega) na iligtas ang sarili niya mula sa krimeng ginawa niya—ngunit hindi niya nagawang iligtas ang kanyang kapatid na si Vanessa (Elle Villanueva).
Chapter 39 第39話
Si Vanessa (Elle Villanueva) ang naging pangunahing suspek sa pagdukot kina Sylvia (Pinky Amador) at Trixie (Thea Tolentino), kaya kailangan niyang humanap ng alibi upang patunayan ang kanyang inosensya.
Chapter 40 第40話
Matapos matuklasan na buhay pa si Merly (Matet De Leon), handa na si Angel (Ashley Ortega) na ilabas ang kanyang galit at pagbayarin ang kanyang ina sa mga pang-aabusong naranasan niya.
Chapter 41 第41話
Matapos ang matagal na pagkawala, natagpuan na rin ni Marco (Derrick Monasterio) si Trixie (Thea Tolentino) sa isang lumang abandonadong bahay. Malilinis na kaya nito ang pangalan ni Vanessa (Elle Villanueva), o lalo lang itong magdudulot ng problema?
Chapter 42 第42話
Labing nasaktan sa pagtataksil ng kanyang kapatid, naghahangad si Angel (Ashley Ortega) ng paghihiganti at pinipilit na si Vanessa (Elle Villanueva) ang managot sa mga krimeng siya ang gumawa.
Chapter 43 第43話
Dahil sa panlilinlang ni Angel (Ashley Ortega), nahaharap si Vanessa (Elle Villanueva) sa pagkakakulong para sa krimeng hindi niya ginawa.
Chapter 44 第44話
Papatulan na ni Vanessa (Elle Villanueva) ang kabaliwan ni Angel (Ashley Ortega), at hindi siya magpapatalo hangga’t hindi niya nakakamit ang hustisya para sa pagtataksil at pananakit na ginawa sa kanya.
Chapter 45 第45話
Sisiguraduhin ni Angel (Ashley Ortega) na magdurusa si Vanessa (Elle Villanueva), kaya habang nakakulong ang kanyang kapatid ay plano niyang agawin ang lahat ng mahalaga sa buhay nito—simula sa kanyang pamilya.
Chapter 46 第46話
Sinimulan ni Carlito (Ricardo Cepeda) ang paghalungkat sa nakaraan ni Angel (Ashley Ortega) upang malaman ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Matutuklasan na kaya niya ang mga lihim nito?
Chapter 47 第47話
Isasagawa ni Angel (Ashley Ortega) ang isang masamang plano laban kay Carlito (Ricardo Cepeda) upang tuluyan itong mapigilan sa pagbubunyag kay Vanessa (Elle Villanueva) ng mga nalalaman nito tungkol sa kanya. Ngunit hindi inaasahan, may isa pang taong madadamay sa plano ni Angel.
Chapter 48 第48話
Haharapin ni Vanessa (Elle Villanueva) ang pinakamasakit na karanasan ng isang ina — ang mawalan ng anak.
Chapter 49 第49話
Unti-unti nang nauubos ang pasensya ni Vanessa (Elle Villanueva) habang patuloy siyang ginagago at pinoprovoka ni Angel (Ashley Ortega), lalo na’t pinaghihinalaan niyang ito ang nasa likod ng pagkamatay ng kanyang anak.
Chapter 50 第50話
Lihim na nagdiriwang si Angel (Ashley Ortega) habang nakikita niyang naghihirap sina Vanessa (Elle Villanueva) at ang pamilya Panganiban. Ngunit hindi pa siya titigil at balak pa niyang lalo silang pahirapan, lalo na ang kanyang kapatid.
Chapter 51 第51話
Nilabag ni Vanessa (Elle Villanueva) ang mga patakaran sa kulungan sa desperadong pagtatangkang makontak ang kanyang pamilya, ngunit sinigurado ni Angel (Ashley Ortega) na hindi na muling makakaugnayan ang kanyang kapatid sa kanila.
Chapter 52 第52話
Habang nilalamon ng matinding lungkot at pag-iisa si Vanessa (Elle Villanueva), unti-unti na niyang nawawala ang kanyang sarili.
Chapter 53 第53話
Malalaman na ng pamilya ni Vanessa (Elle Villanueva) ang kanyang medical diagnosis tungkol sa kanyang kalagayan sa pag-iisip. Mapapadala kaya siya sa mental hospital?
Chapter 54 第54話
Nagpapanggap lang na baliw si Vanessa! Lingid kay Angel (Ashley Ortega), nagpapanggap lamang si Vanessa (Elle Villanueva) na nawawala sa katinuan bilang bahagi ng kanyang plano para sa paghihiganti.
Chapter 55 第55話
Nakalaya na si Vanessa (Elle Villanueva) mula sa mental hospital at sa kanyang kaso, at handa na siyang maghiganti sa lahat ng ginawa sa kanya ni Angel (Ashley Ortega).
Chapter 56 第56話
Habang nananatili si Vanessa (Elle Villanueva) kasama ng mga Panganiban, patuloy si Angel (Ashley Ortega) sa pagplano kung paano pahihirapan ang kanyang kapatid. Ngunit lingid kay Angel, handa na ngayon si Vanessa sa anumang gagawin nito at hindi na siya muling maloloko.
Chapter 57 第57話
Habang nagpapanggap na baliw, naghahanap na ngayon si Vanessa (Elle Villanueva) ng paraan upang pahirapan si Angel (Ashley Ortega) at pagbayarin ito sa pagkamatay ng kanyang anak.
Chapter 58 第58話
Palihim na kikilos si Vanessa (Elle Villanueva) upang sirain si Angel (Ashley Ortega) sa kahit anong paraan at wasakin ang reputasyon nito.
Chapter 59 第59話
Habang maingat na naghahanap ng kasagutan si Vanessa (Elle Villanueva) sa pamamagitan ng imbestigasyon ni Carlito (Ricardo Cepeda), sinisiguro niyang hindi mahahalata ni Angel (Ashley Ortega) ang kanyang plano. Ngunit hindi niya napapansin na may iba nang maaaring maglantad sa kanyang pagpapanggap.
Chapter 60 第60話
Sa wakas, hindi na nag-iisa si Vanessa (Elle Villanueva) sa kanyang laban upang patunayan ang mga kasalanan at krimen ni Angel (Ashley Ortega).
Chapter 61 第61話
Nakaisip ng plano sina Vanessa, Lorraine, at Fonz upang mabunyag ang katotohanan tungkol kay Kiara, ngunit nananatiling isang hakbang sa unahan si Angel sa kanila.
Chapter 62 第62話
Mautak man si Vanessa, mas mautak pa rin si Angel. Dahil sa limitadong galaw ni Vanessa, lalo siyang nahihirapang maisakatuparan ang kanyang planong ilantad ang tunay na pagkatao ni Angel.
Chapter 63 第63話
Nagulat si Vanessa sa rebelasyon na si Kiara ang tunay niyang kapatid at hindi si Angel tulad ng matagal niyang pinaniwalaan.
Chapter 64 第64話
Malalaman ni Vanessa mula kay Aling Merly na ang babaeng nagpapanggap na si Angel ay isang impostor lamang at ang tunay nitong pagkakakilanlan ay si Kiara.
Chapter 65 第65話
Bago tuluyang malaman ni Vanessa ang buong katotohanan tungkol sa pagpapanggap ni Kiara bilang si Angel, handa itong gawin ang lahat upang maitago ang kanyang sikreto. Upang hindi mabunyag ang katotohanan, balak niyang patahimikin ang sarili niyang ina na si Aling Merly sa isang nakakagulat at malupit na paraan.
Chapter 66 第66話
Upang magtagumpay ang plano ni Vanessa na makakuha ng ebidensya, kailangang malinlang ni Marco si Angel upang hindi ito maghinala sa kanilang mga galaw.
Chapter 67 第67話
Tuluyan nang nalaman ni Vanessa ang katotohanan tungkol kay Angel matapos ibunyag ng dati nilang guro ang tunay na kuwento sa likod ng pagkakakilanlan nito bago siya nagpanggap bilang matagal nang nawawalang kapatid ni Vanessa.
Chapter 68 第68話
Hindi nauubusan ng pasabog si Kiara dahil gumawa na naman siya ng plano upang linlangin si Vanessa at mapasunod ito sa kanyang mga kagustuhan.
Chapter 69 第69話
Matapos kidnapin si Vanessa at magsimula ng isang nakamamatay na sunog, naging wanted fugitive si Kiara. Mahuhuli na kaya siya ng mga awtoridad bago pa siya makapaminsala muli?
Chapter 70 第70話
Habang nakakulong sa isang psychiatric facility, hindi pa rin sumusuko si Kiara sa kanyang paghihiganti. Habang lalong lumalalim ang galit niya kay Vanessa, palihim siyang gumagawa ng plano upang muling makalaya. Magtatagumpay kaya si Kiara sa kanyang pagtakas?
Chapter 71 第71話
Habang nakakulong sa isang psychiatric facility, hindi pa rin sumusuko si Kiara sa kanyang paghihiganti. Habang lalong lumalalim ang galit niya kay Vanessa, palihim siyang gumagawa ng plano upang muling makalaya. Magtatagumpay kaya si Kiara sa kanyang pagtakas?
Chapter 72 第72話
Dahil sa matinding galit at hangaring mabawi si Marco, sinimulan ni Trixie na targetin ang mga taong pinakamalapit kay Vanessa. Hanggang saan kaya siya aabot sa kanyang paghihiganti at ilan pang buhay ang malalagay sa panganib?
Chapter 73 第73話
Dahil sa matinding sama ng loob at paghahangad ng paghihiganti, gagawin ni Trixie ang lahat upang wasakin ang mga taong sumusuporta kay Vanessa at iwan siyang mag-isa sa kanyang laban.
Chapter 74 第74話
Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy ni Vanessa kung sino at ano ang tunay na pinagmumulan ng lahat ng mga kasamaang patuloy na dumarating sa kanila. Matutuklasan na kaya niya ang buong katotohanan?
Chapter 75 第75話
Naghahanda si Vanessa at ang kanyang pamilya na magsimula muli sa ibang bansa upang iwanan ang panganib na dala ni Kiara. Ngunit maaaring masira ang kanilang mga plano matapos matagumpay na makatakas si Kiara mula sa mental hospital.
Chapter 76 第76話
Plano ni Kiara na alisin si Vanessa sa kanyang landas upang maangkin niya si Mikay bilang sarili niyang anak. Magtatagumpay kaya siya sa kanyang panibagong mapanganib na plano?
Chapter 77 第77話
Dahil sa matinding desperasyon, determinado si Kiara na isama sa kapahamakan sina Vanessa at Mikay. Makakatakas kaya sila sa panibagong mapanganib na plano ni Kiara?
Chapter 78 第78話
Magkakaroon pa kaya ng kapatawaran sa pagitan nina Vanessa at Kiara, o tuluyan nang tutupukin ng kanilang galit sa isa't isa ang lahat ng kanilang pinagsamahan?
シーズン1は全78話
一部の情報はTheTVDBから提供されています。