본문으로 건너뛰기

전체 에피소드

Born to Shine·GMA Network

전체 에피소드

시즌 1개 · 207화

시즌 1

S1 · E1 31분

1 1화

나

Minchie cannot believe that Dio betrays her and chooses to marry Dara instead. She then gets kicked out of a singing group, where she's a backup singer. Just when she thinks all things have fallen apart, another surprise hits her hard.

S1 · E2 27분

Episode 2 2화

나

Pinagbabawalan ni Minchie (Manilyn Reynes) si Jenny (Zephanie) na kumanta o umattend sa mga concert show dahil ayaw niya itong matulad sa kanya. Ngunit hindi titigil ang dalaga sa pag-abot ng kanyang pangarap, kaya sa ngayon ay itinatago niya muna ang kanyang talento sa marami.

S1 · E3 27분

Episode 3 3화

나

Naglabas ng galit si Minchie kay Jenny dahil umattend ito sa mall show nang walang pahintulot niya. Samantala, muling naaalala ni Megan ang aksidente na nagdulot sa kanya ng matinding guilt at trauma.

S1 · E4 26분

Episode 4 4화

나

Umalis si Megan (Olive May) sa grupong NIXI dahil sa kanyang attitude problems at nangako sa kanyang ina na bubuo siya ng sarili niyang girl group.

S1 · E5 27분

Episode 5 5화

나

Isang producer ang nakadiskubre kay Jeni (Zephanie) at nais siyang mag-audition para sa binubuo nitong bagong girl group.

S1 · E6 27분

Episode 6 6화

나

Mahaharap si Jeni sa isang malaking desisyon—ipagpapatuloy ba niya ang audition para sa kanyang pangarap na maging P-pop idol, o susundin niya ang kagustuhan ng kanyang ina at uunahin ang entrance exam?

S1 · E7 27분

Episode 7 7화

나

Tinanggap ni Jeni (Zephanie) ang lahat ng masasakit na salitang ibinato ni Minchie (Manilyn Reynes) sa kanya dahil sa pagsuway niya sa utos nito.

S1 · E8 29분

Episode 8 8화

나

Nagdesisyon si Jeni (Zephanie) na sumali sa isang singing competition sa kanilang lugar upang kumita ng pera at makatulong sa pagbabayad ng utang ng kanyang pamilya.

S1 · E9 29분

Episode 9 9화

나

Matapos ang ilang taon ng paghihiwalay, muling nagsama ang Rosabellas sa pagbubukas ng restaurant ni Charice (Tina Paner). Ito na kaya ang simula ng pagkakaayos nina Minchie (Manilyn Reynes) at Dara (Vina Morales)?

S1 · E10 27분

Episode 10 10화

나

Ayaw ni Nate (Michael Sager) na makatrabaho ang kapwa niya nepo singer na si Megan (Olive May) dahil sa pangit nitong record sa showbiz.

S1 · E11 27분

Episode 11 11화

나

Masayang napanood ni Minchie (Manilyn Reynes) kung gaano kagaling umawit ang kanyang anak, ngunit hindi pa rin niya susuportahan ang pagsali nito sa industriya.

S1 · E12 25분

Episode 12 12화

나

Ang nakaraan na pilit tinatago ni Minchie (Manilyn Reynes) ay unti-unti nang nabubunyag, at hindi na niya ito maitatago pa kay Jeni (Zephanie).

S1 · E13 26분

Episode 13 13화

나

Sinabi ng record label producer na si Monica (Roselle Nava) kay Amelia (Tessie Tomas) na hindi ganoon kagaling ang kanyang apo na si Megan (Olive May) at wala itong star potential.

S1 · E14 27분

Episode 14 14화

나

Hinabol ni Jeni (Zephanie) ang mga nandukot ng kanyang pang-tuition fee, ngunit napagbintangan siyang kasabwat ng mga ito kaya siya rin ay nakulong.

S1 · E15 28분

Episode 15 15화

나

Matapos tulungan at alagaan ni Jeni (Zephanie) si Amelia (Tessie Tomas), nais niya itong hanapin upang maayos na magpasalamat at mas makilala pa. Samantala, hinahanap din siya ni Nate (Michael Sager) upang mapasali sa bagong girl group ng kanyang ina. Mahahanap kaya nila siya?

S1 · E16 28분

Episode 16 16화

나

Binigyan ni Nate (Michael Sager) si Jeni (Zephanie) ng isang malaking oportunidad upang makasali sa P-pop girl group na binubuo ng Astra M label.

S1 · E17 26분

Episode 17 17화

나

Dahil sa impromptu performance ni Jeni (Zephanie), nadiskubre siya ng isa sa mga producer ng Astra M at pinilit na mag-audition.

S1 · E18 28분

Episode 18 18화

나

Hindi tinanggap ni Minchie (Manilyn Reynes) ang alok ng Astra M na isali si Jeni (Zephanie) sa girl group na binubuo ng record label.

S1 · E19 26분

Episode 19 19화

나

Nakokonsensya na si Minchie (Manilyn Reynes) dahil sa pagiging hadlang niya sa mga pangarap ni Jeni (Zephanie), kahit na sinusuportahan siya ng kanyang anak sa kanyang mga negosyo.

S1 · E20 26분

Episode 20 20화

나

Sa pagpayag ng kanyang ina na sumali siya sa boot camp ng Astra M ay agad na nag-empake si Jeni (Zephanie) upang sumunod sa iba pang trainees na kasali.

S1 · E21 27분

Episode 21 21화

나

Magsisimula na si Jeni (Zephanie) sa kanyang pagsasanay upang maging P-pop idol kasama ang kanyang mga kaibigan. Ngunit magiging maayos kaya ang kanyang training sa Astra M boot camp, lalo na’t tila mainit ang mga mata sa kanya ni Megan (Olive May)?

S1 · E22 28분

Episode 22 22화

나

Magsisimula na ang matinding pagsasanay para sa mga P-pop hopefuls. Kakayanin kaya ni Jeni (Zephanie) ang hamon, lalo na’t hindi maganda ang first impression niya sa kanilang head coach na si Vanna Grande (Sheryl Cruz)?

S1 · E23 28분

Episode 23 23화

나

Naniniwala si Jeni (Zephanie) na may taong humahadlang sa kanyang landas upang maging P-pop idol, at pinaghihinalaan niya na si Megan (Olive May) ito.

S1 · E24 28분

Episode 24 24화

나

Pinipilit ng producer ni Dara (Vina Morales) ang pagbabalik ng Rosabellas at ang pakikipag-ayos nito kay Minchie (Manilyn Reynes) sa kanyang legacy concert. Papayag kaya siya?

S1 · E25 28분

Episode 25 25화

나

Dahil sila ang top 1 at 2, napilitan sina Megan (Olive May) at Jeni (Zephanie) na maging mag-partner para sa duet performance task sa boot camp. Magiging maayos kaya ang kanilang samahan o lalo lang itong magpapalala ng kanilang alitan?

S1 · E26 27분

Episode 26 26화

나

Nagalit ang ilang kapitbahay ni Minchie (Manilyn Reynes) dahil hindi pa rin nito nababalik ang perang kinuha ng scammer na nagpanggap na magtatayo ng negosyo at palalaguin ang kanilang pera.

S1 · E27 27분

Episode 27 27화

나

Nagplano sina Megan (Olive May) at kanyang grupo upang tuluyang mapaalis si Jeni (Zephanie) sa kompetisyon.

S1 · E28 25분

Episode 28 28화

나

Nalungkot si Jeni (Zephanie) dahil hindi siya dinalaw ng kanyang mga magulang sa oras ng visitation sa boot camp.

S1 · E29 26분

Episode 29 29화

나

Uminit ang tensyon nang matuklasan ni Dara (Vina Morales) na nanghihiram ng pera si Minchie (Manilyn Reynes) kay Charice (Tina Paner), at lalo pa niya itong ipinahiya sa pagsasabing hinding-hindi ito aabot sa kanyang tagumpay.

S1 · E30 28분

Episode 30 30화

나

Inaresto ng pulis si Minchie (Manilyn Reynes) dahil sa kasong panloloko at pagnanakaw sa harap nina Dara (Vina Morales) at Charice (Tina Paner).

S1 · E31 28분

Episode 31 31화

나

Kahit ipinagbabawal, umalis si Jeni (Zephanie) sa boot camp upang bisitahin ang kanyang ina sa kulungan.

S1 · E32 26분

Episode 32 32화

나

Sa tulong ni Nate (Michael Sager), nakaipon si Jeni (Zephanie) ng sapat na pera upang mapalaya ang kanyang ina mula sa kulungan.

S1 · E33 29분

Episode 33 33화

나

Magkakaroon kaya si Jeni (Zephanie) ng pagkakataon upang mapatunayan ang kanyang sarili, makabalik sa kompetisyon, at ipaglaban ang kanyang pangarap?

S1 · E34 29분

Episode 34 34화

나

Sa tulong ni Amelia (Tessie Tomas), muling nakapasok si Jeni (Zephanie) sa boot camp na lubos na ikinagalit ni Megan (Olive May).

S1 · E35 27분

Episode 35 35화

나

Upang hindi makasali si Jeni (Zephanie) sa final showdown sa boot camp, gagawa ng paraan si Megan (Olive May).

S1 · E36 28분

Episode 36 36화

나

Inanunsyo ni Monica (Roselle Nava) ang final five na bubuo ng P-pop group ng Astra M: Megan (Olive May), Alfea (Naya Ambi), Nancy (Gaea Mischa), Yuna (Mitzi Josh), at si Jeni (Zephanie) bilang lider ng grupo.

S1 · E37 28분

Episode 37 37화

나

Hindi nalalayo ang away nina Megan (Olive May) at Jeni (Zephanie) sa alitan ng kanilang mga nanay, kaya ang mga problema noon ay dala-dala pa rin nila hanggang ngayon.

S1 · E38 27분

Episode 38 38화

나

Gagawa ng paraan sina Amelia (Tessie Tomas) at Dara (Vina Morales) upang mapaalis si Jeni (Zephanie) sa grupo.

S1 · E39 26분

Episode 39 39화

나

Matapos malaman ang ginawa nina Dara (Vina Morales) at Amelia (Tessie Tomas) kay Jeni (Zephanie), agad silang hinarap ni Minchie (Manilyn Reynes) upang ipagtanggol ang kanyang anak. Ngunit paano kaya maaapektuhan nito si Jeni at ang kanyang posisyon sa YUMI?

S1 · E40 27분

Episode 40 40화

나

Ipinakilala na ng Astra M sa mundo ang kanilang bagong P-pop girl group na YUMI.

S1 · E41 26분

Episode 41 41화

나

Nangako si Dara (Vina Morales) kay Jeni (Zephanie) na iuurong niya ang kaso laban kay Minchie (Manilyn Reynes) kung aalis siya sa YUMI.

S1 · E42 27분

Episode 42 42화

나

Nag-decide ang management ng YUMI na patirahin sila sa isang bahay upang magkaroon pa ng chemistry at bonding sa pagitan ng mga miyembro.

S1 · E43 27분

Episode 43 43화

나

Nagalit si Megan (Olive May) nang sabihin ng music producer na si Jeni (Zephanie), at hindi siya, ang makaka-duet ni Dara (Vina Morales).

S1 · E44 27분

Episode 44 44화

나

Inamin ni Dara (Vina Morales) kay Megan (Olive May) na may inihanda siya sa kanyang legacy concert na siguradong ikatutuwa ng kanyang anak.

S1 · E45 28분

Episode 45 45화

나

Magpaplano si Megan (Olive May) upang pigilan si Jeni (Zephanie) na makasama sa promo tour ni Dara (Vina Morales). Magtatagumpay kaya siya sa kanyang masamang plano?

S1 · E46 27분

Episode 46 46화

나

Dahil sa pagmamalasakit ni Jeni (Zephanie) kay Dara (Vina Morales), nailigtas niya ito sa kapahamakang dulot ng isang fan.

S1 · E47 27분

Episode 47 47화

나

Nalaman ni Jeni (Zephanie) na walang romantikong nararamdaman si Nate (Michael Sager) para sa kanya at kaibigan lamang ang tingin nito sa kanya.

S1 · E48 27분

Episode 48 48화

나

May naglabas sa press ng totoong relasyon nina Minchie (Manilyn Reynes) at Jeni (Zephanie), dahilan upang magkagulo at mabigla ang lahat.

S1 · E49 28분

Episode 49 49화

나

Nagalit ang buong management ng Astra M nang malaman nilang si Megan (Olive May) ang naglantad ng sikreto nina Jeni (Zephanie) at Minchie (Manilyn Reynes).

S1 · E50 28분

Episode 50 50화

나

Gusto ng management ng BGYO na makipag-collaborate sa YUMI, ngunit may isang kundisyon: kailangan ibalik ng Astra M si Jeni (Zephanie) sa grupo.

S1 · E51 27분

Episode 51 51화

나

Ngayon at naibalik na ng Astra M si Jeni (Zephanie) sa grupo, tuluyan nang magaganap ang inaabangang collaboration ng YUMI at BGYO. Ngunit paano kaya ito makaaapekto kay Nate (Michael Sager), na napapansin na ang paglayo at pag-iwas ni Jeni sa kanya?

S1 · E52 27분

Episode 52 52화

나

Inaya ni Nate (Michael Sager) si Jeni (Zephanie) sa isang dinner date, ngunit hindi niya inakalang iimbitahan din nito ang mga miyembro ng YUMI at BGYO.

S1 · E53 27분

Episode 53 53화

나

Malalagay sa panganib ang buhay nina Jeni (Zephanie) at Megan (Olive May) matapos pasukin ng mga lalaking magnanakaw ang kanilang kwarto.

S1 · E54 26분

Episode 54 54화

나

Matapos ang pagligtas ni Jeni kay Megan, tila lumambot ang puso nito at nakipag-ayos na rin siya kay Jeni.

S1 · E55 27분

Episode 55 55화

나

Dahil sa pagbabati nina Jeni at Megan, mas lalo pang naging malapit sa isa’t isa ang mga miyembro ng YUMI.

S1 · E56 25분

Episode 56 56화

나

Nagkaayos na sina Dara at Minchie kaya muli nang nabuo ang Rosabellas, at magkakasama silang magpe-perform sa legacy concert ni Dara.

S1 · E57 26분

Episode 57 57화

나

Sa kabila ng pagkakaayos nina Dara at Minchie, tumatanggi pa rin si Amelia na patawarin si Dara dahil hindi niya makalimutan ang sakit at pinsalang idinulot nito sa kanilang pamilya noon.

S1 · E58 27분

Episode 58 58화

나

Nalaman ni Perry na minsan nang naisip ni Minchie na makipagtanan kay Dio at iwanan ang kanyang asawa at anak.

S1 · E59 25분

Episode 59 59화

나

Kahit gustong makipag-ayos ni Dara kay Minchie, patuloy pa ring bumabalik sa kanya ang sakit na dulot nito at ni Dio. Makakaya kaya niyang tuluyang maghilom at magpatawad?

S1 · E60 27분

Episode 60 60화

나

Sa pagsisimula ng legacy concert ni Dara, nagkaroon ng problema si Megan na maaaring makaapekto sa takbo ng espesyal na konsiyerto ng kanyang ina.

S1 · E61 27분

Episode 61 61화

나

Nagulat si Dara nang marinig mismo kay Perry na si Dio ang tunay na ama ni Jeni. Paano kaya mababago ng rebelasyong ito ang kanilang mga buhay?

S1 · E62 26분

Episode 62 62화

나

Pina-DNA test ni Dara si Jeni at ang kanyang asawa upang malaman kung totoong anak nga ni Dio si Jeni. Matutuklasan na kaya nila ang buong katotohanan?

S1 · E63 26분

Episode 63 63화

나

Ngayong nalaman na ni Dara ang katotohanan tungkol sa pagkakakilanlan ni Jeni, muling sumiklab ang galit at sama ng loob na matagal na niyang itinago laban kina Jeni at Minchie.

S1 · E64 29분

Episode 64 64화

나

Mararamdaman na ni Jeni ang matinding galit ni Dara dahil hindi pa rin nito makalimutan ang sakit na dulot ng mga nagawang kasalanan ni Minchie noon.

S1 · E65 26분

Episode 65 65화

나

Muling nagsimula ng away si Dara laban kay Minchie matapos niyang malaman ang totoong pagkatao ni Jeni. Dahil dito, bumalik ang mga dating sama ng loob at sugat ng nakaraan.

S1 · E66 26분

Episode 66 66화

나

Kahit magkaaway ang kanilang mga ina, nangako sina Jeni at Megan na hinding-hindi masisira ang kanilang pagkakaibigan. Mananatili kaya silang matatag sa kabila ng mga pagsubok na kanilang haharapin?

S1 · E67 27분

Episode 67 67화

나

Sa araw ng fan meet ng YUMI, may inutusan si Dara upang siraan si Jeni sa harap ng publiko. Ano kaya ang magiging epekto nito kay Jeni at sa grupo?

S1 · E68 27분

Episode 68 68화

나

Dahil sa utos ni Dara na manggulo ang ilan niyang fans sa fan meet ng YUMI, nauwi sa kaguluhan ang okasyon at malalagay sa matinding panganib ang buhay ni Perry.

S1 · E69 25분

Episode 69 69화

나

Haharapin ngayon ni Jeni ang pinakamalaking pagsubok sa kanyang buhay matapos malagay sa kritikal na sitwasyon ang buhay ng kanyang amang si Perry. Magagawa kaya niyang manatiling matatag sa gitna ng matinding pagsubok na ito?

S1 · E70 26분

Episode 70 70화

나

Magsisimula na ang bagong single launch ng YUMI, ngunit hindi pa rin maalis kay Jeni ang matinding pag-aalala sa kalagayan ni Perry. Magagawa kaya niyang ituon ang kanyang pansin sa mahalagang okasyong ito sa kabila ng kanyang pinagdaraanan?

S1 · E71 26분

Episode 71 71화

나

Dahil sa nangyari, maaaring mawala ang pandinig ni Perry, bagay na lubos na ikinalungkot at ikinabahala ng kanyang pamilya. Paano kaya nila haharapin ang bagong pagsubok na ito?

S1 · E72 26분

Episode 72 72화

나

Inamin ni Dara na siya ang nasa likod ng nangyari kay Perry, dahilan upang mabigla ang lahat sa rebelasyong ito. Ano kaya ang magiging kapalit ng kanyang pag-amin?

S1 · E73 27분

Episode 73 73화

나

Nakalabas na ng ospital si Perry matapos ang kanyang paggaling at binigyan siya ng hearing aid upang makatulong sa kanyang pandinig. Paano kaya nito mababago ang kanyang buhay at ang samahan ng kanyang pamilya?

S1 · E74 28분

Episode 74 74화

나

Dahil sa biglaang problema ni Perry sa trabaho, kinailangang umalis ni Jeni upang tulungan siya. Dahil dito, si Megan muna ang magiging center at lider ng YUMI para sa event ni Dara. Magagawa kaya niyang pangunahan nang maayos ang grupo?

S1 · E75 28분

Episode 75 75화

나

Nalaman ni Megan na ang sarili niyang ina ang nasa likod ng kaguluhan sa kanilang fan meet at balak niya itong isumbong. Ngunit pinigilan siya ni Dara sa pamamagitan ng isang nakakagulat na rebelasyon—si Jeni pala ay kanyang kapatid sa ama. Paano kaya mababago ng katotohanang ito ang kanilang buhay?

S1 · E76 28분

Episode 76 76화

나

Mas lumalala na ang kondisyon ni Perry at hindi malabong tuluyan na siyang mabingi. Paano kaya haharapin ng kanyang pamilya ang panibagong pagsubok na ito?

S1 · E77 29분

Episode 77 77화

나

Rinding-rindi na si Megan dahil sa YUMI, puro pangalan na lang ni Jeni ang naririnig niya. Pakiramdam niya ay natatabunan na siya ng kanyang kabanda kaya lalo siyang nainis sa sitwasyon.

S1 · E78 27분

Episode 78 78화

나

Lasing na si Megan nang makilala niya si JC, isang gwapong musikero na nakilala niya sa isang bar. Magiging simula kaya ito ng isang bagong kabanata sa kanyang buhay?

S1 · E79 29분

Episode 79 79화

나

Gaya ng YUMI, invited din ang P-pop boy group na Vxon para sa Pinoy Pop Himig Awards. Magpapakitang-gilas kaya ang dalawang grupo sa isa sa pinakamalalaking gabi ng P-pop?

S1 · E80 27분

Episode 80 80화

나

Natalo ng Nixi ang YUMI sa P-pop Song of the Year matapos manguna sa music charts ang "Runaway", na tinalo ang "This Is Our Time!". Paano kaya haharapin ng YUMI ang hindi inaasahang pagkatalong ito?

S1 · E81 29분

Episode 81 81화

나

Tuluyan nang nasungkit ng YUMI ang P-pop Group of the Year Award. Ngunit sa kabila ng kanilang tagumpay, nabalot ng tensyon ang kanilang pagkapanalo dahil sa naging asal ni Megan.

S1 · E82 28분

Episode 82 82화

나

May nagkalat ng video nina Jeni, Yuna, Nancy at Baste na nagpa-party, kung saan na-expose rin ang tunay na kasarian ni Baste. Paano kaya nila haharapin ang matinding epekto ng rebelasyong ito?

S1 · E83 25분

Episode 83 83화

나

Nagkaroon ng matinding alitan sina Baste at Jeni matapos kampihan ni Jeni si Megan, isa sa mga pinaghihinalaan ni Baste na nagpakalat ng kanyang viral video. Masisira na kaya ang kanilang pagkakaibigan?

S1 · E84 25분

Episode 84 84화

나
S1 · E85 25분

Episode 85 85화

나

Unti-unting nararamdaman ni Megan na lahat ng bagay na para sa kanya ay napupunta kay Jeni. Habang lumalalim ang kanyang sama ng loob, lalo niyang nakikita si Jeni bilang pinakamalaking karibal niya.

S1 · E86 26분

Episode 86 86화

나

Maaaring napatawad na ni Jeni si Megan, ngunit mula ngayon ay ituturing na lamang niya itong ka-grupo at hindi na kaibigan. Tuluyan na nga bang natapos ang kanilang pagkakaibigan?

S1 · E87 27분

Episode 87 87화

나

Malalagay sa alanganing sitwasyon ang karera ni Megan dahil sa posibilidad ng suspensyon matapos ang sunod-sunod na problemang idinulot niya sa YUMI. Magagawa pa kaya niyang maituwid ang kanyang mga pagkakamali at mailigtas ang kanyang career?

S1 · E88 27분

Episode 88 88화

나

Aaminin na ni Minchie kay Amelia ang katotohanan tungkol sa tunay na pagkatao ni Jeni. Magbabago kaya ang lahat sa oras na mabunyag ang matagal nang itinatagong lihim?

S1 · E89 27분

Episode 89 89화

나

Matapos aminin ni Minchie ang buong katotohanan tungkol sa tunay na pagkatao ni Jeni, lalo pang magugulo ang mundo nina Amelia at Dara. Ano kaya ang magiging epekto ng matagal nang itinatagong rebelasyong ito?

S1 · E90 27분

Episode 90 90화

나

Tuwang-tuwa ang YUMI nang makilala nila ang P-pop girl group na G22 habang kinakanta nito ang kanilang awit na "Groove On!". Magiging simula kaya ito ng magandang samahan ng dalawang grupo?

S1 · E91 28분

Episode 91 91화

나

Ngayong alam na ni Amelia na apo niya si Jeni, gusto niyang mapalapit dito at makabawi sa mga panahong nawala. Bibigyan kaya siya ni Jeni ng pagkakataong mabuo ang kanilang relasyon bilang mag-lola?

S1 · E92 29분

Episode 92 92화

나

Sinamahan ni Makmak si Jolly na panoorin ang paborito nitong P-pop girl group na YUMI. Magiging daan kaya ang espesyal na sandaling ito upang mas mapalapit pa silang dalawa?

S1 · E93 26분

Episode 93 93화

나

Malalagay sa alanganing sitwasyon ang malaking lihim ni Dara matapos tuluyang maaresto si Karina Mendez. Makakamit na kaya ng pamilya ni Perry ang hustisyang matagal nilang hinihintay, o makakagawa pa ng paraan si Dara upang manatiling lihim ang katotohanan?

S1 · E94 28분

Episode 94 94화

나

Nahuli nina Jeni at Minchie si Amelia na kausap ang suspek sa pagkabingi ni Perry. Ano kaya ang tunay na dahilan ng kanilang lihim na pag-uusap?

S1 · E95 28분

Episode 95 95화

나

Aaminin na ni Perry kay Jeni ang matagal na niyang itinatagong katotohanan na hindi niya ito tunay na anak. Paano kaya tatanggapin ni Jeni ang rebelasyong ito?

S1 · E96 28분

Episode 96 96화

나

Ngayong alam na ni Jeni na hindi niya tunay na ama si Perry, lalo siyang naging determinado na makilala ang kanyang tunay na ama upang mabuo ang kanyang pagkatao. Matatagpuan na kaya niya ang sagot na matagal na niyang hinahanap?

S1 · E97 28분

Episode 97 97화

나

Lasing na si Megan nang makilala niya si JC, ang gwapong musikero sa isang bar. Magiging simula kaya ito ng isang bagong kabanata sa kanyang buhay?

S1 · E98 28분

Episode 98 98화

나

Inamin ni Nate kay Jeni na matagal na siyang may gusto rito at ito ang laman ng kanyang puso. Paano kaya tatanggapin ni Jeni ang taos-pusong pag-amin na ito?

S1 · E99 26분

Episode 99 99화

나

Isang panibagong yugto ang magbubukas para sa NIXI matapos ang pagbabago sa kanilang line-up at pagpapalit ng ilang miyembro. Paano kaya tatanggapin ng kanilang mga tagahanga ang bagong simula ng grupo?

S1 · E100 28분

Episode 100 100화

나

Matapos siyang itaboy ni Megan, napilitan si Jeni na aminin na alam na niyang magkapatid sila. Paano kaya haharapin ni Megan ang rebelasyong ito?

S1 · E101 27분

Episode 101 101화

나

Kahit anong paliwanag ni Jeni, hinding-hindi siya matatanggap ni Megan bilang kanyang kapatid. Magkakaroon pa kaya ng pagkakataon na maghilom ang sugat sa pagitan nilang dalawa?

S1 · E102 28분

Episode 102 102화

나

Sa harap ng puntod ng kanilang ama, nagkasakitan sina Jeni at Megan dahil sa matinding galit na nararamdaman nila sa isa't isa. Mas lalo pa kayang lalalim ang hidwaan ng magkapatid?

S1 · E103 29분

Episode 103 103화

나

Dumalo ang lahat ng fans at ilang mga personalidad sa grand birthday celebration ni Jeni, na naging mas espesyal ang pagdiriwang. Anong mga hindi inaasahang pangyayari kaya ang magaganap sa kanyang espesyal na araw?

S1 · E104 27분

Episode 104 104화

나

Sa kalagitnaan ng birthday party ni Jeni, ibinunyag ni Chika Nene na magkapatid sina Jeni at Megan. Paano kaya mababago ng nakakagulat na rebelasyong ito ang buhay nilang dalawa?

S1 · E105 28분

Episode 105 105화

나

Ngayong lantad na sa publiko ang pagiging magkapatid nila ni Jeni, magpapanggap si Megan na ngayon lang niya nalaman ang katotohanan upang siraan si Jeni at pagmukhaing siya ang masama. Magtatagumpay kaya siya sa panlilinlang na ito?

S1 · E106 26분

Episode 106 106화

나

Sa paglabas ng katotohanan, maraming netizens ang nagalit kay Jeni dahil naniniwala silang siya ang naging kontrabida sa buhay ni Megan at ng mga Halari. Mababawi pa kaya niya ang tiwala ng publiko?

S1 · E107 28분

Episode 107 107화

나

Ikinagalit ni Megan ang pagiging malapit nina JC at Jeni, kaya gumawa siya ng paraan upang siraan ang kanyang kapatid. Magtatagumpay kaya siya sa bago niyang plano?

S1 · E108 28분

Episode 108 108화

나

Dahil sa isyung kinasasangkutan nina Megan at JC, unti-unti nang nasisira ang reputasyon ng YUMI. Malalampasan kaya ng grupo ang kontrobersiyang ito at maibabalik ang tiwala ng publiko?

S1 · E109 29분

Episode 109 109화

나

Nagdesisyon si Monica na ipagpahinga muna si Jeni dahil sa sunod-sunod na isyung kinakaharap nito na nakaaapekto na rin sa reputasyon ng YUMI. Makatutulong kaya ang pansamantalang pahingang ito upang maibalik ang tiwala ng publiko?

S1 · E110 29분

Episode 110 110화

나

Dahil sa pagkakaalis sa kanya sa YUMI, unti-unti nang bumabalik si Jeni sa kanyang simpleng pamumuhay at iniiwan muna ang mundo ng kasikatan. Magiging simula kaya ito ng panibagong yugto sa kanyang buhay?

S1 · E111 27분

Episode 111 111화

나

Matapos ang kanyang pag-alis sa YUMI, nakatanggap si Jeni ng hindi inaasahang alok ng tulong mula sa isang taong gustong gabayan siya sa mga hamon ng pagsisimula ng kanyang solo career. Ito na kaya ang simula ng panibagong yugto sa kanyang buhay?

S1 · E112 24분

Episode 112 112화

나

Kahit nabigyan si Jeni ng pagkakataong muling sumikat, may mga tao pa ring gustong pabagsakin siya at pigilan ang kanyang muling pagbangon. Magagawa kaya niyang malampasan ang panibagong pagsubok na ito?

S1 · E113 24분

Episode 113 113화

나

Sa pagsisimula ng karera ni Jeni bilang solo artist, marami pa rin ang nagdududa sa kanyang kakayahan at patuloy siyang binabato ng batikos. Magagawa kaya niyang patunayan ang kanyang sarili at muling makuha ang tiwala ng publiko?

S1 · E114 28분

Episode 114 114화

나

Lingid sa kaalaman nina Vanna at Jeni, gumagawa ng paraan si Dara upang hindi maging matagumpay ang solo career ni Jeni. Mabubunyag kaya ang kanyang mga plano bago pa maging huli ang lahat?

S1 · E115 29분

Episode 116 115화

나

Humarap si JC sa isang interview upang sabihin ang katotohanan at linisin ang pangalan ni Jeni. Mababago kaya ng kanyang mga ibubunyag ang pananaw ng publiko kay Jeni?

S1 · E116 29분

Episode 116 116화

나

Dahil sa pagiging makasarili at prima donna ni Megan, unti-unti nang nasisira ang reputasyon at samahan ng YUMI. Malalampasan pa kaya ng grupo ang krisis na dulot ng kanyang ugali?

S1 · E117 28분

Episode 117 117화

나

Ikinagalit ni Megan at ikinagulat naman ng Astra M ang pagpili ng BGYO kay Jeni para sa isang collaboration. Ano kaya ang magiging epekto nito sa YUMI at sa samahan ng mga miyembro nito?

S1 · E118 27분

Episode 118 118화

나

Humarap si Jeni sa isang interview kasama ang King of Talk na si Tito Boy Abunda upang sagutin ang mga batikos at isyung kinakaharap ng kanyang pamilya. Malilinaw na kaya niya ang lahat ng kontrobersiya?

S1 · E119 27분

Episode 119 119화

나

Sa tulong ni Vanna at ng collaboration niya kasama ang BGYO, patuloy na umuusbong at lumalakas ang solo career ni Jeni. Magiging daan kaya ang partnership na ito para mas lalo siyang magtagumpay?

S1 · E120 27분

Episode 120 120화

나

Kinuha ni Dara ang mga listahan ng kanta ni Jeni upang ibigay kay Megan at hayaan itong angkinin ang mga ito. Malalaman kaya ni Jeni ang ginawa ni Dara at mababawi niya kaya ang kanyang mga kanta?

S1 · E121 29분

Episode 121 121화

나

Hindi na nagkasundo sina Nancy at Megan, at maaaring mauwi sa pagkawatak-watak ng grupo ang kanilang alitan. Magagawa pa kaya nilang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan?

S1 · E122 29분

Episode 122 122화

나

Isinauli nina Nancy at Yuna ang lyrics sheet na nakita nila sa mga gamit ni Megan matapos nilang matuklasang pagmamay-ari pala ito ni Jeni. Mabubunyag kaya nito ang ginawa nina Megan at Dara?

S1 · E123 26분

Episode 123 123화

나

Muling nagulo ang performance ni Jeni dahil sa kagagawan ni Megan. Ngunit sa pagkakataong ito, may pruweba na sa kanyang pagsasabotahe matapos siyang mahuli sa camera. Mabubunyag na kaya ang katotohanan tungkol sa ginawa ni Megan?

S1 · E124 27분

Episode 124 124화

나

Sinisisi nina Alfea, Nancy, at Yuna sina Jeni at Megan dahil sa unti-unting pagkasira ng reputasyon at karera ng YUMI. Tuluyan na kaya nitong pagwatak-watakin ang grupo?

S1 · E125 29분

Episode 125 125화

나

Inamin ni Megan kay Monica na gusto na niyang mag-quit sa YUMI upang maging solo artist. Susuportahan kaya ni Monica ang kanyang desisyon, o susubukan niya itong kumbinsihing manatili sa grupo?

S1 · E126 26분

Episode 126 126화

나

Sinabi ni Nate kay Jeni na kailangan muna niyang mag-focus sa kanyang sarili upang matutunan niyang mahalin ito nang tama. Makakatulong kaya ang pansamantalang paglayo nila upang magkaroon sila ng mas maayos na relasyon?

S1 · E127 28분

Episode 127 127화

나

Kinuhaan ni Jeni ng video sina Freddie at Dara nang makita niyang naghaharutan ang dalawa. Gagamitin kaya niya ang video upang ibunyag ang kanilang sikreto?

S1 · E128 28분

Episode 128 128화

나

Diamond Diva, kabit si Dara Halari!

S1 · E129 29분

Episode 129 129화

나

Tuluyan nang nakaganti si Vanna kina Dara at Freddie matapos niyang isiwalat sa mundo ang kanilang pagtataksil! Tuluyan na kaya nitong sirain ang reputasyon ng dalawa?

S1 · E130 29분

Episode 130 130화

나

Dahil sa mga kasalanan at kontrobersiyang kinasangkutan ni Dara, nasira ang kanyang pangalan at nadamay si Megan, na nais sanang magsimula ng kanyang solo career.

S1 · E131 27분

Episode 131 131화

나

Dahil sa sunod-sunod na isyung kinakaharap ng YUMI, nagdesisyon ang management ng Astra M na i-disband na ang grupo. Tuluyan na kaya itong magtatapos sa YUMI?

S1 · E132 29분

Episode 132 132화

나

Muling nagmakaawa si Megan sa Astra M na tanggapin siya bilang solo artist dahil wala na umanong record label na gustong tumanggap sa kanya dahil sa patuloy na pambabatikos ng mga netizens sa kanya at sa kanyang ina. Bibigyan pa kaya ng Astra M ng pagkakataon si Megan?

S1 · E133 29분

Episode 133 133화

나

Nagkasakitan sina Dara at Minchie sa Port Uno dahil sa walang katapusang alitan sa pagitan nila.

S1 · E134 28분

Episode 134 134화

나

Tinulungan ni Charice si Dara na makabangon muli at binigyan siya ng pagkakataong mag-perform sa kanyang bar. Ngunit dahil sa labis na kalungkutan, nasayang lamang ni Dara ang tulong at pagkakataong ibinigay ng kanyang kaibigan.

S1 · E135 28분

Episode 135 135화

나

Matapos manggulo ni Dara sa stage, wala na siyang magawa kundi panoorin ang masayang performance ni Minchie!

S1 · E136 27분

Episode 136 136화

나

Tuluyan na ngang pumanaw si Amelia habang nasa piling ng kanyang dalawang apo na sina Jeni at Megan.

S1 · E137 27분

Episode 137 137화

나

Kahit wala na si Amelia, patuloy pa rin ang away sa pagitan nina Dara, Minchie, Megan, at Jeni. Magagawa pa kaya nilang isantabi ang kanilang mga alitan?

S1 · E138 27분

Episode 138 138화

나

Bumisita si First Lady Melody sa burol ni Amelia upang makiramay sa pamilya nito.

S1 · E139 27분

Episode 139 139화

나

Magsasama-sama ang pamilya Sicat at pamilya Halari upang malaman ang tungkol sa pamana ni Amelia para sa kanyang mga minamahal. Ngunit isang malaking sorpresa ang naghihintay kina Jeni at Megan. Ano kaya ang pamana na iniwan ng kanilang lola para sa kanila?

S1 · E140 29분

Episode 140 140화

나

Matatanggap na nga ba ni Megan si Jeni upang matapos na ang gulo ng kanilang pamilya?

S1 · E141 27분

Episode 141 141화

나

Dinala ni Megan si Jeni sa isang abogado upang gawing opisyal ang naging verbal agreement nila—na isusuko ni Jeni ang kanyang karapatan sa bahay kapalit ng kanilang pagkakaayos!

S1 · E142 29분

Episode 142 142화

나

Sa tulong ng isang abogado, walang nagawa si Megan kundi tanggapin na makakasama niya si Jeni sa isang bahay.

S1 · E143 29분

Episode 143 143화

나

Kamuntikan nang mapatay ni Dara si Minchie dala ng kanyang galit matapos nilang magkaalitan.

S1 · E144 27분

Episode 144 144화

나

Kinausap ni Kendall si Jeni tungkol sa estado ng relasyon nito kay Nate at umamin na may gusto siya sa binata.

S1 · E145 29분

Episode 145 145화

나

Hindi maganda ang pakikitungo ng bagong personal assistant ni Megan kay Jeni dahil galit ito sa kanya sa pagsira niya sa career ni Megan.

S1 · E146 27분

Episode 146 146화

나

Sa kagustuhan nina Nancy at Yuna na magkaroon ng career ay mapapahamak sila sa trabahong papasukin nila.

S1 · E147 28분

Episode 147 147화

나

May bagong oportunidad na darating na maaaring magligtas kina Yuna at Nancy mula sa muli nilang pagbabalik sa pandurukot. Sino kaya ito, at ano ang magiging papel niya sa buhay nila?

S1 · E148 28분

Episode 148 148화

나

Gustong makaganti ni Kendall kay Jeni matapos siyang mapahiya nang i-reject siya ni Nate at piliin nito si Jeni.

S1 · E149 28분

Episode 149 149화

나

Nalaman ni Jeni na si Kendall at ang NIXI ang may pakana ng pagmamahiya sa kanya.

S1 · E150 28분

Episode 150 150화

나

Pinuntahan ni Jeni si Alfea upang ipaalam dito na balak niyang buuin muli ang YUMI sa kanyang solo concert.

S1 · E151 29분

Episode 151 151화

나

Pinapalayas na sina Yuna at Nancy sa bahay na inuupahan nila at hindi rin sila tinatawagan ng Hilaga Records, dahilan upang lalo silang mawalan ng gana sa buhay.

S1 · E152 29분

Episode 152 152화

나

Dahil sa efforts ni Jeni, nagawa niyang makumbinsi sina Yuna, Nancy, at Alfea upang muling magsama-sama para sa reunion ng YUMI.

S1 · E153 28분

Episode 153 153화

나

Lahat na ay ginawa ni Jeni para lang makaharap si Megan at mabuo muli ang YUMI sa kanyang concert. Hahayaan kaya ni Megan na lumambot ang kanyang puso, o tuluyan na niyang tatalikuran ang grupong minsan ay naging pamilya at pangarap niya?

S1 · E154 29분

Episode 154 154화

나

Maraming fans ang dumalo sa first-ever solo concert ni Jeni Sicat na pinamagatang “Born To Shine.”

S1 · E155 28분

Episode 155 155화

나

Ginulat ni Megan ang YUMI at ang kanilang fans sa kanyang pag-attend sa collab performance ng YUMI sa solo concert ni Jeni.

S1 · E156 29분

Episode 156 156화

나

Mas pinipili ni Megan ang kanyang sarili at ang YUMI kaysa sa kanyang inang si Dara na puno ng galit.

S1 · E157 28분

Episode 157 157화

나

Nagalit si Monica kay Megan at sa YUMI sa ginawa nilang pag-breach ng kontrata, kaya magsasampa ng legal action ang Astra M laban sa kanila.

S1 · E158 29분

Episode 158 158화

나

Gusto ni Elvis ng Hilaga Records na buuin muli ang YUMI pagkatapos ng successful reunion performance nila sa concert ni Jeni.

S1 · E159 27분

Episode 159 159화

나

Binili na ng Hilaga Records ang kontrata ni Megan kaya buo na muli ang limang miyembro ng YUMI! Ngunit bakit parang may aberya na naman?

S1 · E160

Episode 160 160화

나

Muling nagkita ang NIXI at YUMI sa world stage kung saan nagbabalik ang rivalry nila bilang magkatunggaling grupo.

S1 · E161 28분

Episode 161 161화

나

Sa tulong ni Vanna, pumayag na si Monica na ipagamit muli sa YUMI ang kanilang pangalan at mga kanta.

S1 · E162 27분

Episode 162 162화

나

Nagka-ayos at nagpatawaran sina Minchie at Dara, at pinili nilang kalimutan na ang kanilang mga nakaraang alitan.

S1 · E163 28분

Episode 163 163화

나

Pinaakyat ni Megan si Jeni sa stage kasama si Nate upang makapag-duet ang dalawa.

S1 · E164 27분

Episode 164 164화

나

Sinagot na ni Jeni si Nate matapos nitong aminin ang kanyang totoong nararamdaman para sa kanya.

S1 · E165

Episode 165 165화

나

Official na sina Jeni at Nate, at handa na si Nate na ipagsigawan sa buong mundo kung gaano niya kamahal si Jeni!

S1 · E166 28분

Episode 166 166화

나

Nag-propose na si Nate kay Jeni bilang tanda ng pagmamahal niya sa kanya.

S1 · E167 29분

Episode 167 167화

나

Isinugod sa ospital si Nate matapos siyang matagpuan ni Monica na walang malay.

S1 · E168 29분

Episode 168 168화

나

Wala nang buhay nang makita ni Jeni si Nate sa ospital, kung saan nagluluksa na si Monica sa pagkawala ng kanyang anak.

S1 · E169 29분

Episode 169 169화

나

Bukod sa pamilya ni Nate at sa mga batikos ng mga tao, sinisisi ni Jeni ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay siya ang pumatay sa kanyang nobyo.

S1 · E170 28분

Episode 170 170화

나

Inihatid na ng pamilya ni Nate ang kanyang kabaong sa huling hantungan habang inaalala ang mga magagandang alaala na iniwan niya.

S1 · E171 28분

Episode 171 171화

나

Hindi nakasama si Jeni sa pagluwas ng YUMI para sa World Solasia Music Festival upang unahin ang kanyang healing. Ngunit sino kaya ang nakilala niya habang nasa healing phase siya?

S1 · E172 28분

Episode 172 172화

나

Isang manghuhula ang sumilip sa future ni Jeni at sinabing makakakilala siya ng bagong tao na makabubuti sa kanyang buhay.

S1 · E173 28분

Episode 173 173화

나

Sa kanyang paghahanap ng peace of mind sa bundok, nakilala ni Jeni si Drew na may pinagdadaanan ding katulad niya.

S1 · E174 29분

Episode 174 174화

나

Ipinakalat ni Kendall ang fake news na nagsasabing patay na si Jeni.

S1 · E175 27분

Episode 175 175화

나

Nakiusap si Jeni sa isang delivery rider na ihatid siya sa gusali ng Hilaga Records dahil kailangan niyang makarating doon agad. Hindi pa rin natatapos ang alitan sa pagitan ng YUMI at NIXI, lalo na ngayong magkalaban sila para sa isang oportunidad sa Hollywood. Gagawin ni Kendall ang lahat upang makuha ng NIXI ang puwesto sa Hollywood film, kahit pa makasakit ito ng ibang tao.

S1 · E176 29분

Episode 176 176화

나

Ipinakilala ni Vanna ang bago niyang boy band na 5N1!

S1 · E177 28분

Episode 177 177화

나

Ngayong hawak na ng ASTRA M ang NIXI, ayon kay Vanna, gagawin niya ang lahat upang mas umangat ang grupo. Wala na ba talaga ang pagmamahal ni Vanna kay Jeni, o hindi lang tugma ang kanyang mga kilos sa tunay na nararamdaman ng kanyang puso?

S1 · E178 29분

Episode 178 178화

나

Nagtulungan sina Vanna at Monica sa pag-handle ng kanilang mga artists at gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan bilang mga higante sa industriya ng musika upang sirain ang kanilang mga kaaway.

S1 · E179 28분

Episode 179 179화

나

Kinompronta ni Vanna si Minchie matapos niyang makita na kasama nito ang mga taong sumira ng kanyang buhay.

S1 · E180 27분

Episode 180 180화

나

Nais makipagbati nina Minchie at Dara kay Vanna upang muling maayos ang relasyon nilang tatlo.

S1 · E181 26분

Episode 181 181화

나

Nararamdaman ni Yuna kung gaano ka-close sina Jeni at Drew.

S1 · E182 28분

Episode 182 182화

나

Kahit anong paliwanag ang gawin ni Dara sa kanyang anak, hinding-hindi matatanggap ni Megan ang relasyon nito kay Freddie.

S1 · E183 28분

Episode 183 183화

나

May binabalak sina Monica at Vanna ngayong nasa kanilang mga kamay ang nawawalang music sheet ni Jeni.

S1 · E184 28분

Episode 184 184화

나

Dahil Halloween, gumamit si Vanna ng iba't ibang paraan ng pananakot upang sindakin si Dara at makaganti rito.

S1 · E185 29분

Episode 185 185화

나

Hindi pa rin matukoy kung sino ang naglagay ng droga sa inumin ni Megan, dahilan upang mawalan siya ng malay sa kalagitnaan ng Halloween party.

S1 · E186 28분

Episode 186 186화

나

Nalaman ng YUMI na sina Kendall at Marcus ang kumuha ng music sheet na nakalaan sana para sa kanilang album.

S1 · E187 26분

Episode 187 187화

나

Sa tulong ni Freddie, makikilala ni Dara si Kian, na nais siyang kunin bilang pangunahing bida sa dulang panteatro na inihahanda nito.

S1 · E188 26분

Episode 188 188화

나

Balak ni Vanna na sirain ang reputasyon ng bagong negosyo ni Jeni upang makaganti rito.

S1 · E189 27분

Episode 189 189화

나

Natukoy ni Nancy ang lokasyon kung saan nagli-live ang vlogger na nanira sa Princess Morena! Agad niya itong pinuntahan sa kabila ng pagpipigil ni Alfea!

S1 · E190 26분

Episode 190 190화

나

Balot ng kaba at takot sina Dara, ang buong YUMI, at si JC matapos nilang malaman na naglaho si Megan nang walang bakas. Makukumpleto kaya ng YUMI ang kanilang grupo bago ang nalalapit nilang malaking event?

S1 · E191 26분

Episode 191 191화

나

Pinamumukha ni Vanna kay Dara na siya ang responsable sa masasakit na pangyayaring nagaganap sa kanyang buhay, kaya halos mawalan na ito ng pag-asang mahanap pa ang kanyang anak.

S1 · E192 26분

Episode 192 192화

나

Matapos ang pagtatanghal ng YUMI, binatikos ng mga Yumates si Jeni dahil sa pagkawala ni Megan at sinisi siya sa pagkakaroon na naman ng alitan sa loob ng grupo!

S1 · E193 25분

Episode 193 193화

나

Kinumpirma ni Freddie sa publiko ang paghihiwalay nila ni Dara at ibinunyag ang katotohanan tungkol sa kaugnayan niya sa anak ni Vanna.

S1 · E194 25분

Episode 194 194화

나

Matapos siyang ipahiya nina JC, Yuna, at Nancy sa kanyang kaarawan, nagpaplano si Vic ng masamang paghihiganti at si Jeni ang kanyang napiling puntiryahin nang hindi ito naghihinala.

S1 · E195 27분

Episode 195 195화

나

Matapos painumin ni Vic ng pampatulog, agad na ipinasok ng dalawang kidnapper si Jeni sa isang basurahan at dinala sa isang abandonadong lugar. Nang makatakas siya, agad niyang tinawagan si Akira!

S1 · E196 28분

Episode 196 196화

나

Inaprubahan na ni Elvis ang bagong kantang isinulat ni Jeni para sa YUMI.

S1 · E197 27분

Episode 197 197화

나

Nanalo ang YUMI sa P-pop Girl Group of the Year award kung saan nakalaban nila ang NIXI.

S1 · E198 28분

Episode 198 198화

나

Nalaman ng YUMI na nagkaroon ng dayaan sa award at ang NIXI talaga ang nanalo sa P-pop Girl Group Award dahil sa pakana ni Vanna.

S1 · E199

Episode 199 199화

나
S1 · E200
2026년 11월 13일 공개

Episode 200 200화

2026년 11월 13일
나
S1 · E201
2026년 11월 14일 공개

Episode 201 201화

2026년 11월 14일
나
S1 · E202
2026년 11월 16일 공개

Episode 202 202화

2026년 11월 16일
나
S1 · E203
2026년 11월 17일 공개

Episode 203 203화

2026년 11월 17일
나
S1 · E204
2026년 11월 18일 공개

Episode 204 204화

2026년 11월 18일
나
S1 · E205
2026년 11월 19일 공개

Episode 205 205화

2026년 11월 19일
나
S1 · E206
2026년 11월 20일 공개

Episode 206 206화

2026년 11월 20일
나
S1 · E207
2026년 11월 21일 공개

Episode 207 207화

2026년 11월 21일
나

시즌 1 총 207화

일부 정보는 TheTVDB에서 가져왔어요.

공유

Born to Shine

·

· · GMA Network

시청함

줄거리

내 평점

Wubly 커뮤니티

멈춘 위치

시리즈 열기
메모 추가 또는 수정
아직 안 봤어요
공유
wubly

Wubly에서 기록해요

Wubly는 베타 기간 동안 초대제로 운영돼요. 대기자 명단에 등록하면 초대 이메일을 보내 드릴게요.

초대 코드가 있으신가요? 가입하기

오프라인 상태예요

최근에 본 페이지는 계속 볼 수 있어요. 변경 사항은 이 기기에 저장되고 연결되면 동기화돼요.

다시 온라인 · 동기화 중